Friday, March 17, 2006

the things i missed this week...

Andaming nangyari this week. Moomba parade, opening ng MCG, movie marathon sa house almost everyday. Away dito away doon. Hahaha. Active participant lang ako sa movie marathon at sa mga awayan.

I missed the Moomba parade last monday. Sabi kasi ni housemate Allan umuulan daw nung nagising kami Monday morning. E around lunch ata yung parade. So yun na. Di na ako nag-isip lumabas. Kung di sana umuulan, baka napaisip pa ako kung lalabas nga ako. Hehehe. Tamad na tamad talaga ako gumala these days.

Yung MCG opening ceremonies, may fireworks daw dun sa may Yarra river. Hindi ako pumunta. Sila allan marj at jacq nagpunta. Ni meet nila si marlon pati yung gf ni marlon. Ako pumunta ng grocery. Bumili ng coke supply ko (which was still on sale at the time kaya nakatipid na naman ako, hehehe) tapos some cold cuts para pag trip namin magsandwich na lang for dinner.

Movie marathon... hmmm. I am enjoying myself. Kaso magastos. Overnight rental is 5 bucks. Tang inis isang bagong VCD na yun sa Manila. Tapos 2 DVDs a day pa kami kung magrent ni Allan. Hahaha. It keeps me busy though. Almost halfway na kami sa assignment na to. Konting tiis na lang, uwi na kami.

Yipee! Malulustay ko na kung anuman yung naipon ko dito. Hahahaha. Kung meron nga. Magastos dito talaga mga brothers and sisters. O baka ako lang talaga ang magastos. Nyahahaha!

Onga pala, may isa pa akong na-miss. Mali pala, di na-miss. Nami-miss (kasi palagian).

Dapat alam mo na ikaw nga yung tinutukoy ko... Hahaha! Kung si topeng may malupit na unang hinahanap-hanap, ako ikaw lang talaga madalas ko iniisip. Bat kasi andaming bawal... dagdagan pa natin ng isang bawal. Bawal mag-feeling!!! Basta miss kita. Sana nandito ka. Di para sa kung anuman. Just wanted to share this experience with you. Plus na lang yung kung anuman. :D

Wednesday, March 08, 2006

Hostel Blues



Nakangtuterz omg! Watched Hostel last night. Amf! Kala ko pa naman maliligayahan ako.



Tangeena! Pang Disney ang pelikulang ito. Nung una akala ko maligaya na ako. Daming sex scenes. Nagkalat ang breast exposure at may occasional full frontal. Soft porn ika nga. Ampness to d max, nung nagsimula na ang patayan, parang gusto ko na rin mamatay. Siguro wuss lang ako.


Eto ang mga reaksyon ng mga kasama ko manood ng sine kagabi:

Si tetser pao tinanong ko nung lumabas kami ng sinehan, ok pa naman daw sya. Pero nung kumakain na kami sa KFC, napansin ko lang, halos hindi niya makain yung zinger nya. Hahaha. Isang pakpak ng manok lang ata ang nakain ni tetser.

Si allan? Huwell, bihira (o hindi pa ata nangyari) na walang gana kumain etong si big boy. Pero in fairness, may natirang fries sa box niya kagabi. Mga anim na piraso pa siguro yun. That is considered unusual for his case. So I guess affected din sya nung movie on some level.

Yung dalawang girls... hehehe.

Jacq got what she wanted. She said she hopes the movie isn't going to be in the line of Crash. Yun bang mabigat sa dibdib pagkatapos mo panoorin. Well, she got half of it anyway. The movie wasn't anywhere near Crash. The stars were unknown (or maybe it's because I am not a movie buff like Bes Manuel is) and the story line isn't anywhere near the plot of Crash. All the same, after the movie, she was begging to find some comfort food. But like most of us, food offered little comfort last night.

Si Marj, mukhang ok pa naman siya. Although she said she felt a little sick. Maton talaga tong isang to. Pero yun nga. Gusto niya i-recommend yung movie sa kanyang other half. Mahilig ata sa ganung genre ang kayang lovey-doods.

Ako? Halos di rin makakain. Pag titingin ako dun sa manok, iba ang nakikita ko. Pati coleslaw ko (which is usually una kong binabanatan pag kumakain ako sa KFC), hindi ko nagalaw. I remember the last time I felt that sick was when I watched the video of somebody getting his head cut off by an Iraqi with a jungle knife.

Sa mga mahihilig sa blood and gore, this is a must-see. I'm sure maliligayahan kayo. Basta ako, stick na lang muna sa mga disney at pixar movies. At yung mga inspirational movies na hanggang ngayon di pa nada-download netong chekwanese friend namin dito.

Monday, March 06, 2006

parasayo...

kung mapadaan ka man dito
kahit alam kong malabo

kung may magchismis man sayo
di ko alam kung sino

basta sana malaman mo...


MISS na MISS na kita!!!

p.s. walang bumebeybi sa akin dito... waaaahhh!

Saturday, March 04, 2006

Yey!!! May shoutbox na rin ako... hehehe

Yun lang... na-excite lang talaga ako dahil nakapagkabit na rin ako ng shoutbox dito. Wahoo!

Credits:
wardude (aka allanv) - sa pagbigay ng link ng pwede pagkuhaan ng shoutbox
auring - sa pagturo sa akin magtranslate ng German para maikabit ko nga ang shoutbox na nakuha ko

Xie xie...

Thursday, March 02, 2006

Trip-Trip Lang

L2R: Bosing bosing, Marj, Me, Jacq
Last Saturday, we went for a guided tour on the Great Ocean Road...
hindi yan yung sinakyan namin... mas ok pa nga kung yan na lang :(
Tour vehicle, not the one we went on though... This one was fully-booked when we tried to make our reservations :(

Me unable to contain the excitement over the spectacular sights on our way to the GOR...

First stop... Bells Beach. No idea why it's called as such. Wasn't paying attention to what the driver/guide was saying during the trip. As you can see from the pic above these, I was too excited to pay attention... :D This beach is not really part of the Great Ocean Road (at least I think so...). It was right before the Great Ocean Road sign thingie (see topmost pic of this post).

A really nice view of Point Lonsdale ... we stopped at this place overlooking the coastline for about 5 to 10 minutes. Just enough time to take a couple of quick shots. Pero pangit yung isa e, so isa lang post ko.
Pwet ng koala, close up... :))Cute neto kaso laging tulog...
Adorable koalas. Hahaha. Reminded me so much of the remark "Parang natutulog lang." I was on my way back to the bus when I did see a koala moving... too bad I didn't get a video of it. Chayang!
Jacq and Bosing-bosing's lunch
Lunch time at Apollo Bay. No nice pics of the scenery. Was too hungry to care. And craving for nicotine. Hehehe. Pics courtesy of Jacq. I ran out of batteries after the koala experience... :(
Errrr... tama na muna kakapost ng pics. Nakakapagod din pala to. Next post ko, ilalagay ko na lang yung mga pictures ng sangkaterbang limestone at rock formations na makikita sa GOR. Yung twelve apostles at loch ard ang tinutukoy ko. Wala akong pics nung mga shipwrecks at saka galing sa phone ko lang yung mga pics na ilalagay ko. And there are some pics I took while at the Otway Treetop Walk (pinakanakakapagod na tinigilan naming lugar).

Para lang masimulan ko na mag-post...


Ok na yan kesa lyrics ng kanta ilagay ko dito. Hehehe. Nitatamad me magsulat ng pang-first entry ko.

Binti yata ni allan ata yang nasa gilid. Di ko maalala kung sino katabi ko nung kinuha yung pic na to e. Masyado naman malaki kasi para maging binti yan ni Inay Marj... :D